Mga kaanak ni Bin Laden, nasawi sa plane crash

Inquirer file photo

Patay ang tatlong kaanak ni Osama Bin Laden makaraang bumagsak ang sinakyang eroplano ng mga ito sa auction site malapit sa Blackbushe Airport sa Hampshire sa West London.

Ayon sa Hampshire police, nasawi ang stepmother,kapatid na babae at brother-in-law ni Bin Laden at maging ang piloto ng eroplano.

Kabilang sa mga nasawi ang stepmother ni Bin Laden na si Rajaa Hashim, half-sister nito na si Sana bin Laden at bayaw na si Zuhair Hashim.

Nabatid na magbabakasyon sana ang pamilya ni Bin Laden sa United Kingdom nang mangyari ang aksidente.

Kasalukuyang sumasailalim na sa imbestigasyon ng Air Accidents Investigation Branch (AAIB) ng United Kingdom ang pangyayari.

Agad namang nagpahatid ng pagkikisimpatiya ang Saudi Ambassador to Britain na si Prince Mohammed bin Nawaf Al Saud sa pamilya ng mga biktima.

Matatandaang napatay ang Al-Qaeda leader na si Bin Laden noong May 2011 sa Abbottabad, Pakistan matapos magsagawa ng operasyon ang Amerika. – Chona Yu/Jay Dones

 

 

Read more...