Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Gener Quitlong, weather forecaster ng Pphilippine, Atmospheric, Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng umabot na lamang sa 15 hanggang 17 bagyo ang papasok na bagyo ngayong taon.
Pero ayon kay Quitlong, asahan na mas malalakas na bagyo ang tatama sa bansa dahil sa climate change.
Sa ngayon, isang bagyo ang binabantayan ng PAGASA na maaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) line sa araw ng Miyerkules, August 5.
Ayon kay Quitlong, sakaling pumasok sa bansa, tatawagin itong bagyong ‘Hanna’./ Chona Yu
MOST READ
LATEST STORIES