WATCH: Pinsala ng bagyong Lawin sa Peñablanca, Cagayan

Tuguegarao City | Photo courtesy of Arn Santos
Tuguegarao City | Photo courtesy of Arn Santos

Bakas ang matinding pinsala na idinulot ng super bagyong Lawin sa bayan ng Peñablanca sa lalawigan ng Cagayan kung saan unang nag-landfall ang bagyo bandang alas 11:00 ng gabi ng Miyerkules.

Pagpasok pa lang sa boundary ng Peñablanca at Tuguegarao east nakahambalang sa tulay ang makapal na putik dulot ng mudslides.

Sa town proper naman, samut-saring debris tulad ng mga sanga mula sa nabuwal na puno, bumagsak na pader at poste ng kuryente at mga sirang bahay ang nagkalat.

Sa kasalukuyan ay kinokolekta pa ang mga datos sa dalawampu’t apat na barangay na bumubuo sa Peñablanca lalo’t pahirapan ang pag-alam sa kondisyon ng bawat barangay dahil sa kawalan ng komunikasyon.

Samantala, wala ring suplay ng kuryente at tubig sa lugar sanhi ng kalamidad.
 

Read more...