Bulkang Bulusan muling nag-alburuto

File Photo courtesy of Drew Zuñiga
File Photo courtesy of Drew Zuñiga

Muling nakapagtala ng phreatic explosion sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Sa inilabas ng volcano bulletin ng Phivolcs, naitala ang pagbuga ng abo alas 12:34 ng madaling araw ng Biyernes na tumagal ng dalawampung minuto.

Ang nasabing pag-aalburuto ng bulkan ay nagdulot ng ashfall sa Barangay Inlagadian sa Casiguran at Barangays Tugawe, Bulacao at Tigkiw sa Gubat.

May mga bakas din ng volcanic ash na namataan sa mga Barangay Ariman, Bentuco, Buenavista, Nazareno, at Rizal sa bayang NGubat; Barangay Barcelona Proper at Tagdon sa bayan ng Barcelona; at sa Barangay Escula at Casay sa Casiguran.

Ayon sa Phivolcs, sa nakalipas na 24-oras nakapagtala ng walong volcanic earthquakes sa Mt. Bulusan.

Nananatili naman ang alert level 1 sa bulkan at bawal pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer danger zone nito.

 

Read more...