Bansag na ‘Noynoy 2.0’, OK lang kay Roxas

Inquirer file photo

Ipinagkibit-balikat lang ni DILG Secretary Mar Roxas ang mga kritisismo na magmimistula lamang siyang ‘clone’ ni Pangulong Noynoy Aquino matapos igawad ang endorsement nito para sa 2016 general elections.

Tugon ito ni Roxas matapos bansagan siyang “Noynoy 2.0” ng grupong Bagong Alyansang Makabayan.

Ayon kay Roxas, wala namang masama kung magmistula siyang “Noy 2.0” dahil batid naman anya ng taumbayan ang mga mabubuting nagawa ng Pangulong Aquino.

Giit ng kalihim, marami na siyang karanasan na maaring iambag upang matiyak na magpapatuloy ang tuwid na daan na inumpisahan ni Pangulong Aquino.

Samantala, umaasa pa rin siya aniya na makukuha nila ang pagsang-ayon ni Senador Grace Poe na tumakbo bilang kanyang Vice Presidential running mate.

Ito aniya ay hindi pagbawas sa kapasidad ng senadora kung hindi pag-iisip lamang ng mas malawakang plano para sa susunod na henerasyon. / Jay Dones

 

 

 

Read more...