BIR, hindi na tatanggap ng ITR via email

birHindi na tatanggap ng income tax returns ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pamamagitan ng e-mail.

Ayon sa BIR, simula Agosto , kanila ng ihihinto ang eBIRForms email account.

Ito anila ay dahil na rin sa dami ng mga invalid na mga format ng BIR tax returns na kasama sa attachment ng mga taxpayer at ang mga e-mail na wala namang attachment.

Sakaling magpadala pa rin ng mga eBIRForms e-mail ang sinumang taxpayer, otomatikong tatanggap ang mga ito ng tugon na : “This tax return submission channel is now unavailable and your tax return will be disregarded. Please download the eBIRForms package version 5 and follow the procedures per RMC [Revenue Memorandum Circular] No. 31-2015 to submit your tax returns.”

Sa ilalim ng RMC 31-2015 circular na inilabas noong Hunyo, na ang mga bagong electronic tax return filing form ay maaring ma-dwonload sa www.bir.gov.ph; www.knowyourtaxes.ph; www.dof.gov.ph; at Dropbox link https://goo.gl/UCr8XS.

Lahat ng 36 na tax returns na kabilang sa package ay maaring mai-file sa pamamagitan ng pagclick ng submit o final copy button./ Jay Dones

Read more...