Batay sa 5 a.m. weather bulletin ng PAGASA, may taglay ang “Lawin” ng lakas ng hangin na aabot sa 205 kilometers per hour, at pagbugso na 285 kilometers per hour.
Napanatili naman nito ang bilis ng pagkilos na nasa 25 kilometers per hour patungo sa direksyong West Northwest.
Dahil ibinaba na ito sa typhoon category, inalis na rin ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 5, at ibinaba na rin ang signal no. sa ilang mga lugar.
Gayunman, nakataas pa rin ang Signal No. 4 sa Cagayan, Isabela, Apayao, Abra, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Mt. Province, Kalinga, Ifugao at Calayan Group of Islands.
Signal No. 3 naman sa La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino at Northern Aurora.
Signal No. 2 naman sa Batanes Group of Islands, Pangasinan, nalalabing bahagi ng Aurora, Tarlac, Nueva Ecija at Northern Zambales.
Habang nakataas naman ang Signal No. 1 sa iba pang bahagi ng Zambales, Bulacan, Bataan, Pampanga, Rizal, Quezon Province including Polillo Island, Cavite, Laguna, Batangas, at Metro Manila.
Makakaranas ng heavy hanggang intense na ulan sa mga lugar na sakop ng 400 kilometer inner diameter ng kabuuang 800 kilometer diameter ng bagyo, habang katamtaman at paminsan-minsang malakas na ulan naman sa iba pang mga lugar.
Inaasahang lalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo mamayang gabi.