Yellow rainfall warning, itinaas sa ilang bahagi ng Central Luzon

 

Nag-anunsyo ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa ilang bahagi ng Central Luzon, dahil sa pag-ulan na dulot ng super bagyong “Lawin.”

Itinaas ang Yellow rainfall warning sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Bulacan at Tarlac.

Babala ng PAGASA, posibleng makaranas ng pagbaha ang mga mabababang lugar sa mga nabanggit na lalawigan.

Samantala, makakaranas naman ng mahina at paminsan-minsang malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon na maaring tumagal ng hanggang tatlong oras.

Read more...