Signal number 5 ibinabala ng PAGASA dahil sa lakas ng bagyong Lawin

Lawin1Kinumpirma ng Pagasa na anumang oras mula ngayon ay posibleng itaas sa signal number 5 ang lakas ng bagyong Lawin na nararamdaman ngayon sa ilang lalawigan sa Northern Luzon.

Ipinaliwanag ni Aldczar Aurelio, Senior Weather Forecaster ng Pagasa na huling namataan ang bagyong lawin 385 Kilometers Silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 220 kph at pagbugsong 305 kph at isa na itong “super typhoon”.

“Kapag umabot sa 221 kph ang lakas ng bagyong Lawin ay iaakyat na po namin ang typhoon signal number 5 sa mga lalawigan ng Isabela at Southern Cagayan na ngayon ay nasa signal number 4”, pahayag ni Aurelio.

Sa kasalukuyan ay nasa signal number 3 ang mga sumusunod na lalawigan:

Signal number 2

Signal number 1

Nauna nang sinabi ng Pagasa na umaabot sa 700-kilometer ang kabuuang dimeter ng bagyo kaya malaki ang sakop nitong lugar.

Read more...