Ilang flights kanselado na dahil sa bagyong Lawin

NAIA Terminal 3Nagkansela na ng biyahe ang mga airline company dahil sa masamang panahon na dulot ng bagyong Lawin.

Sa abiso ng Manila International Airport Autority (MIAA), apat na domestic flights na ang kanselado ngayong araw.

Kabilang dito ang flight 5J 504 at 5J 505 ng Cebu Pacific Air na biyaheng Manila-Tuguegarao-Manila.

Kanselado na rin ang flight PR 2014 at PR 2015 ng Philippine Airlines na ang biyahe rin ay Manila-Tuguegarao-Manila.

Payo ng MIAA sa mga apektadong pasahero, direktang makipag-ugnayan sa airline companies para sa detalye ng kanilang biyahe.

 

Read more...