Lalo pang lumakas ang bagyong Lawin at taglay na ang lakas ng hanging aabot sa 210 kph at pagbugsong 260 kph.
Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Lawin sa 450 km East ng Casiguran, Aurora.
Napanatili naman ng bagyong Lawin ang kilos nito sa bilis na 26 kph sa direksyong west northwest.
Itinaas na ng PAGASA ang sumusunod na public storm warning signals:
Signal #3:
Cagayan
Isabela
Apayao
Kalinga
Mt. Province
Ifugao
Signal #2:
Calayan group of Islands
Northern Aurora
Ilocos Norte
Ilocos Sur
Abra
Benguet
La Union
Nueva Vizcaya
Quirino
Signal #1:
Batanes Group of Islands
Tarlac
Pangasinan
Nueva Ecija
Rest of Aurora
Zambales
Pampanga
Bulacan
Northern Quezon including Polilio Islands
Bataan
Rizal
Laguna
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Metro Manila
Ayon sa PAGASA, lalakas pa ang bagyong Lawin bago tumama sa kalupaan ng Cagayan bukas ng umaga.