Bulkang Bulusan, muling nagbuga ng abo

FILE PHOTO | courtesy of Drew Zuñiga
FILE PHOTO | courtesy of Drew Zuñiga

Nakapagtala muli ng phreatic explosion sa Mt. Bulusan sa Sorsogon, ngayong Miyerkules ng umaga.

Sa inilabas na volcano bulletin ng PAGASA, alas 4:58 ng umaga kanina nang maitala ang pagbuga ng abo mula sa bunganga ng bulkan.

Tumagal umano ng siyam na minuto ang explosion at nakita ang makapal na usok na ang taas ay nasa isang kilometro.

Sa nakalipas na magdamag, nakapagtala naman ng 28 volcanic earthquake sa bulkan.

Nananatili pa rin sa alert level 1 o abnormal ang status ng bulkang Bulusan at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer danger zone nito.

 

 

Read more...