Biyahe ng Pasig river ferry, suspendido ngayong araw

pasig-ferrySinuspinde na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang biyahe ng Pasig river ferry ngayong araw.

Sa anunsyo ng MMDA, wala munang biyahe ang ferry makaraang isailalim sa public storm warning signal number 1 ng PAGASA ang Metro Manila.

Kuha ni Erwin Aguilon

Samantala, sa kahabaan ng EDSA, naka-rolyo na ang mga billboard para maiwasan ang aksidente sa sandaling makaranas na ng malakas na hanging dulot ng bagyong Lawin.

Ang iba sa mga billboard ay sinimulan pang irolyo noon kasagsagan ng bagyong Karen at hindi pa muli binababa hanggang sa kasalukuyan.

 

 

Read more...