Isa ang kasunduang ito sa mga nakapilang maisapinal sa apat na araw na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.
Ayon sa mga sources, nakatakda ang state-owned na CREC na pumasok sa isang kasunduan sa isang grupo mula sa Pilipinas para sa large-scale infrastructure projects na isasailalim ng administrasyon sa public-private partnership framework.
Magugunitang isa sa mga pangunahing proyekto ng administrasyong Duterte ay ang pagsusulong sa mga investors ng isang malaking Mindanao railway system.
Sa ilalim ng nasabing proyekto, binabalak na pagdugtungin ang mga lungsod ng Cagayan de Oro, Iligan, Zamboanga, Butuan, Surigao, Davao at General Santos.
Inaasahang malaki ang maitutulong nito sa pagpapaunlad ng accessibility sa mga isla sa Mindanao na magpapadali ng transportasyon.
Sa memorandum of understanding na pipirmahan ng CREC kasama ang isang partner mula sa Pilipinas, nakasaad na maglalabas ito ng minimum portfolio na $400 million hanggang $3 billion para sa mga proyekto dito sa bansa.
Samantala, inihayag ni Pangulong Duterte na nais niyang makasama ang Pilipinas sa panukalang Belt and Road initiative ng China upang mapunan ang kakulangan sa imprastraktura ng bansa.
Ito ay tumutukoy sa Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road na naglalayong pagdugtungin ang Asia, Europe at Africa gamit ang limang ruta.
Kabilang sa mga ruta sa ilalim ng Silk Road ay ang dugtungan ng China patungong Europe sa pamamagitan ng Central Asia at Russia; China patungong Middle East na tatagos sa Central Asia; at ang pagdudugtong sa China at Sotheast Asia, South Asia at Indian Ocean.
Habang ang 21st Century Maritime Silk Road naman a; patungo sa y nakatuon sa paggamit ng kanilang coastal ports sa pagdudugtong ng China at Europe sa pamamagitan ng South China Sea at Indian Ocean; at ang pag-konekta ng China sa South Pacific Ocean sa pamamagitan ng South China Sea.
Layon ng foreign policy initiative na ito na isulong ang economic cooperation sa mga bansang madadaanan ng mga ruta ng Belt and Road.
Apela ng pangulo sa China, kung kaya nitong bigyan ng tulong ang ibang bansa, nais rin ng Pilipinas na maging bahagi ng malalaking plano ng Beijing para sa buong Asia lalo na sa Southeast Asia.
Marami kasi aniya siyang nais ipatupad sa bansa ngunit mahirap isulong ang kaunlaran kung may kakulangan sa imprastraktura.