Sinabi sa Radyo Inquirer ni Public Attorney’s Office Chief Atty, Percida Rueda-Acosta na pumunta si Mallari sa University of Sto.Tomas kahapon dala ang kanyang Certificate of Good Moral Character pero bigo itong makapag-enroll sa kursong accountancy.
May meeting pa anya ang UST Council sa Martes at hihintayin pa ni Mallari ang resulta ng pulong kaya hindi siya makakasama sa orientation ng mga bagong estudyante sa Lunes.
Paliwanag ni Acosta, ang Certificate of Good Moral Character na inisyu ng eskwelahan ay dapat one page, one sentence, pero humaba ito at naging dalawang pahina. “Merong ng certicate ng good moral si krisel pero kinopya pa yung dispositive portion ng court of appeals tapos meron pang kolatilyang ‘under protest’ o mag-aapela sila,” ayon kay Acosta.
Dagdag ni Acosta, dalawang beses ng ginawa ng Sto, Nino Parochial School ang pag-withhold ng dokumento ng estudyante na labag sa utos ng Department of Education.
Sa Lunes ay magsusumite ang kampo ni Mallari ng manifestation sa Court of Appeals at kumpyansa si Acosta na makakapasok sa kolehiyo si Krisel.
“Orientation pa lang ang mangyayari sa UST kaya pwede pang makahabol sa klase si Krisel,” dagdag pa ng PAO Chief. / Len Montaño