Sa panayam ng Radyo Inquirer, nilinaw ni NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan na ang paggalaw ng Manila Trench at hindi ng West Valley Fault ang pwedeng magresulta ng tsunami.
Ang Manila Trench anya ang bitak ng lupa na nasa ilalim ng tubig, samanatalang ang West Valley Fault anya ay pwede lang magkaroon ng water disturbance pero hindi ito magbubuo ng tsunami “Bagaman maaaring mag-induce ng pagtaas ng tubig ang paggalaw ng west valley fault ay hindi ito mag-gegenerate ng tsunami.
“Pag malakas ang lindol ang pwedeng magresulta ng tsunami ay ang Manila Trench,” ayon kay Marasigan. “Isa sa mga ina-anticipate sa quake drill sa bahagi ng Roxas Boulevard ang posibleng tsunami kaya ang movement ng mga tao ay pataas o inward o papasok sa syudad,” pahayag ni Marasigan.
Sa malakas na lindol anya ay agaran na dapat tingnan ang senyales na pag-atras ng tubig sa karagatan at susundan ito ng malalaki at malakas na alon.
Iginiit ni Marasigan na dapat palayo mula sa body of water ang galaw ng mga tao dahil mapaminsala ang tsunami na sanhi ng paggalaw ng Manila Trench./ Len Montaño