Naitala sa pinakamababang antas sa nakalipas na labing dalawang taon ang bilang ng mga Pinoy na nagsabing sila ay nakararanas ng kagutuman.
Sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa ikatlong bahagi ng taong 2016, nakapagpatala ng pinakamababang self-rated hunger rate.
Ayon sa survey, 10.6 percent o 2.4 million na pamilya lamang ang nagsabing sila ay nakararanas ng involuntary hunger.
Ito na ang pinakamababang antas simula noong March 2004 kung saan nakapagtala ng mababang 7.4 percent lamang.
Nasa 9.1 percent naman ang nagsabing sila ay nakararanas ng moderate hunger at 1.5 percent ang nagsabing sila ay nakararanas ng severe hunger.
Ang 3rd quarter’s hunger rate ay mas mababa rin ng 4.6 points kumpara sa nagdaang quarter na nakapagtala 15.2 percent o katumbas ng 3.4 milyon na pamilya.