Sa datos ng U.S Naval Observatory na Joint Typhoon Warning Center, naabot na ng bagyong Lawin ang super typhoon category.
Ayon sa nasabing US weather agency, sa mga susunod na oras patuloy na lalakas ang bagyo bago tumama sa kalupaan ng Northern Luzon.
Ang Japan Meteorological Agency naman, sinabing isang violent typhoon ang bagyong Lawin na pinakamatas sa kanilang ginagamit na intensity classifications sa mga bagyo.
Sa pagtaya naman ng PAGASA, ngayong araw na ito posibleng itaas na rin nila sa super typhoon ang kategorya ng bagyong Lawin.
Sa susunod din na mga oras ay maaring itaas na ang public storm warning Signal No. 3 sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino at Northern Aurora.
Patuloy din ang babala ng PAGASA na maaring makaranas ng 5 meters na taas ng storm surges ang mga baybayin ng Cagayan, Calayan Group of Islands, Isabela at Ilocos Norte.