Sa ekslusibong panayam ng Radyo Inquirer 990AM, sinabi ni Alunan na dekada noventa pa nila napansin ang balak ng China sa karagatang sakop ng ating bansa.
Sa isang technology conference na kanyang pinuntahan sa US sa unang bahagi ng dekada noventa, ipinaliwanag diumano ng China ang kanilang vision para mapabilang sa mga makapangyarihang bansa sa daigdig.
Sa isang papupulong naman sa Beijing na dinaluhan din ni Alunan, kanyang sinabi na natatandaan pa nya ng sabihin ng pamahalaang China na magsasagawa sila ng reclamation sa South China Sea particular na sa Mischief Reef para may magamit na silungan ang kanilang mga mangingisda tuwing may bagyo sa karagatan.
Hinala ni Alunan, ginamit lamang ng China ang nasabing mga scenario para sakupin ang bahagi ng karagatan na sakop ng Exclusive Economic Zone ng ating Pilipinas.
Ipinaliwanag rin ng dating opisyal na tiyak naman na hindi rin kikilalanin ng China anuman ang maging tugon ng Arbitral Tribunal sa ating reklamo laban sa pananakop nila sa bahagi ng West Philippine Sea. / Alvin Barcelona