Typhoon Lawin, posibleng maging katumbas ng isang category 5 na hurricane ayon sa weather.com

Latest Satellite Image of Typhoon LawinPatuloy sa paglakas ang bagyong Lawin na may international name na Haima.

Sa pagtaya ng weather.com, maaring umabot sa super typhoon category ang bayo at umabot sa 150 miles per hour ang taglay nitong lakas ng hangin o higit pa.

Bukas, araw ng Miyerkules sinabi ng weather.com na mananalasa ang bagyong Lawin sa northern part ng Pilipinas.

Sa kasagsagan ng paglakas nito, sinabi ng weather.com na maaring maging katumbas na ng bagyong Lawin ang isang category 5 na hurricane.

Sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, taglay ng bagyong Lawin ang lakas ng hangin na aabot sa 185 kilometers bawat oras at pagbugsong 230 kilometers bawat oras.

 

 

Read more...