WATCH: Pagsagip ng isang baby elephant sa lalaking dati nang tumulong sa kaniya, nakuhanan ng video

Naidokumento ng Save Elephant Foundation ang pagsagip ng isang baby elephant sa lalaking pinakakautangan niya ng loob dahil dati na itong tumulong sa kaniya at kaniyang ina.

Sa video na nakuhanan sa Chiang Mai, Thailand, kitang-kita ang pag-aalala at pagkukumahog ng elepanteng si “Kham Lha” na lumusong sa ilog nang makita si Darrick Thomson na tila tinatangay ng agos ng tubig.

Si Thomson ay co-founder ng naturang foundation at noong 2015 iniligtas niya si “Kham La” an gang nanay nito.

Tila hindi naman nakalimot si “Kham La” sa naitulong sa kaniya at kaniyang nanay ni Thomson, kaya nang makita niya itong nasa ilog at tinatangay ng alon, agad niya itong sinagip.

Ayon naman sa Save Elephant Foundation, hindi totoong nangangailangan noon ng tulong si Thomson pero lahat sila ay nagulat sa naging reaksyon ng batang elepante.

Nagmamadali itong lumusong sa tubig, pilit na hinabol si Thomson habang tinatangay ng agos, at saka iniabot dito ang kaniyang trunk para mahawakan.

Read more...