I-ACT muling nagsagawa ng clearing operations sa Mabuhay Lanes

Kuha ni Jun Corona
Kuha ni Jun Corona

Itinuloy ngayong araw ng Inter-Agency Council on Traffic (i-ACT ang pagsasagawa ng clearing operations sa Mabuhay Lanes o sa mga lansangan na ginagamit na alternatibong ruta ng mga motorist para makaiwas sa traffic sa main roads.

Maagang nag-deploy ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ilang lansangan sa Quezon City para hulihin at i-tow ang mga sasakyang ilegal na nakaparada sa mga lansangan na sakop ng Mabuhay Lanes.

Para ngayong araw, ang mga sasakyang nakaparada sa Delmonte Avenue sa Quezon City ang nasampulan.

Iniisyuhan ng traffic violation tickets ang mga may-ari ng sasakyang nahuhuli, at kung iniwan naman na nakaparada at wala ang driver nito ay hinahatak ang sasakyan para dalhin sa impounding area.

Kahapon, umabot sa 46 na sasakyan ang nahatak nang magsagawa ng clearing operations ang i-ACT laban sa mga illegal-parked vehicles sa Mabuhay Lanes routes 1, 2, 4 at 7 at sa Cenacle Avenue sa Quezon City.

Maliban sa mga nahatak na sasakyan, mayroon ding 32 na naisyuhan ng citation tickets.

Sa hiwalay na operasyon naman ng i-ACT kahapon sa bahagi ng EDSA-Muñoz sa nasabi ring lungsod, pawang mga colorum na sasakyan naman ang tinarget.

Aabot sa anim na sasakyan na bumibiyahe ng walang prangkisa ang nahuli na kinabibilangan ng apat na van, isang kotse at isang bus at dinala sa LTFRB compound sa East Avenue.

Read more...