Class suspension ngayong araw, Oct. 18, 2016

walang pasokDahil sa malakas na bagyong Lawin, nagsuspinde na ng mga klase sa ilang lugar sa Luzon.

As of 6:45 ng umaga ng Martes, October 18, walang pasok sa mga sumusunod na lugar:

ALL LEVELS
– Quirino Province
– Isabela Province
– Cauayan City
– Ilagan City
– Santiago City

Sa mga lugar na nakataas ang public storm warning signal number 1 ay iiral naman ang automatic suspension batay sa guidelines ng Department of Education (DepEd).

Sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, nakataas na ang signal number 1 sa Cagayan, Isabela, Catanduanes at Northern Aurora dahil sa bagyong Lawin na patuloy sa paglakas.

 

 

Read more...