Bagyong Lawin lumakas pa, public storm warning signal number 1 nakataas na sa apat na lugar sa bansa

Lalo pang lumakas ang bagyong lawin at ayon sa PAGASA ay inaasahang lalakas pa bago tuluyang tumama sa lupa.

Ang Typhoon Lawin ay huling namataan sa 1,075 kilometer East ng Daet, Camarines Norte taglay ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers bawat oras at pagbugsong 230 kilometers bawat oras.

Kumikilos ito sa bilis na 24 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.

Sa Huwebes ng umaga inaasahang tatama sa kalupaan ng Cagayan ang bagyo at saka tatawid sa Apayao at Ilocos Norte.

Itinaas na ng PAGASA ang public storm warning signal number 1 sa Cagayan, Isabela, Catanduanes at Northern Aurora

Bukas ng umaga, mararamdaman ang epekto ng bagyo sa eastern part ng Luzon.

At bukas ng gabi, maaapektuhan na nito ang buong northern Luzon, Bicol Region, Central Luzon, eastern section ng Southern Luzon at maging ang Metro Manila.

Sa Biyernes ng umaga, inaashang lalabas ng bansa ang bagyong Lawin.

 

 

 

Read more...