2-way trade, target ni Duterte sa China na tangi aniyang tutulong sa Pilipinas

 

Inquirer file photo/AP

Target ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang state visit sa China ang patibayin ang ugnayang pang-ekonomiya sa pagitan nito at ng Pilipinas, partikular na ang two-way trade at investment.

Ayon kay Pangulong Duterte, nasasabik siya na mapag-usapan nila ng mga opisyal ng China kung paano nila mas mapagaganda ang bilateral relations ng dalawang bansa.

Umaasa rin ang pangulo na makahanap sila ng mga Chinese leaders ng mga puntos kung saan maari silang magtulungan.

Naniniwala rin si Duterte na tanging ang China lamang ang makakatulong sa Pilipinas.

Aniya, hindi katulad ng China ang ibang bansa na sa halip na tulungan ay binabatikos pa ang Pilipinas kahit alam nilang kapos naman ang bansa sa salapi.

Dagdag pa niya, hindi nanghuhusga ang China at tahimik silang tumutulong, na aniya’y isang bahagi ng taos-puso nitong pagtulong sa mga tao.

Kasabay nito ay umaasa ang pangulo na ang pagbisita niya doon ay magbibigay daan sa mga maitutulong ng China sa Pilipinas.

Read more...