Komento ni Duterte sa territorial dispute, ipinagkibit-balikat lang ng China

 

Inquirer file photo

Walang negatibong komento ang China kaugnay sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na paninindigan niya ang pag-aari ng Pilipinas sa mga teritoryo nito sa South China Sea.</p><p>Inquirer.net file photo/AP

Matatandaang bago umalis si Duterte patungo sa kaniyang state visit sa Brunei, ipinangako ng pangulo na hinding-hindi niya ipagpapalit ang anumang teritoryo ng Pilipinas sa kaniyang pagpunta sa China.

Kinikilala naman ni Chinese Foreign Ministry spokeswoman Hua Chunying ang pagiging pinuno ng bansa ni Duterte, na handang bumuo ng anumang polisiya para sa ikabubuti ng kaniyang bansa at mga mamamayan.

Ayon kay Hua, malinaw at consistent ang kanilang posisyon kaugnay sa arbitration case tungkol sa isyu ng teritoryo sa South China Sea.

Gayunman, mas hinihikayat aniya nila ang mapayapang pag-uusap sa pagitan ng mga partido upang maresolbahan ang nasabing isyu.

Dagdag pa ni Hua, lagi namang bukas ang pinto ng China para sa Pilipinas, at kapansin-pansin naman ang pagsusulong ni Duterte na idaan sa mapayapang paraan ang pagtalakay sa mga isyu.

Ngayong araw nakatakdang tumungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa China mula sa kaniyang state visit sa Brunei.

Read more...