Venezuelan, arestado sa NAIA dahil sa cocaine

 

Natimbog ng mga otoridad ang isang babaeng Venezuelan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 matapos tangkaing mag-puslit ng iligal na droga sa bansa.

Aabot sa 4.3 kilo ng high-grade cocaine ang nasamsam mula sa 22-anyos na si Genesis Lorena Pineda Salazar na dumating sa bansa sakay ng Emirates Airlines flight EK332 mula sa Sao Paolo, Brazil na dumaan sa Dubai.

Tinatayang nasa P20 milyon ang halaga ng dalang iligal na droga ni Salazar na isinilid pa sa mga bote ng lotion.

Naisakatuparan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang paghuli at pagharang kay Salazar, matapos silang timbrehan ng Drug Enforcement Agency ng Amerika.

Tumanggi namang magsalita sa harap ng media ang suspek.

Noong Sabado lang ay isa namang Brazilian ang nag-tangka ring magpasok ng 6.2 kilos ng cocaine sa bansa, na naaresto rin sa paliparan.

Read more...