Marcos supporters na naglakad mula Ilocos Norte, nakarating na sa Maynila

Kuha ni Jan Escosio
Kuha ni Jan Escosio

Nagtipun-tipon sa Padre Faura Street malapit sa Korte Suprema ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na nananawagan para mailibing na sa Libingan ng mga Bayani ang dating presidente.

Kuha ni Jan Escosio

Pawang nakasuot ng itim at kulay puti na damit at puting bandana, karamihan sa mga tagasuporta ay naglakad pa mula sa Paoay Church sa Ilocos Norte patungong Korte Suprema sa Maynila.

Ang nasabing martsa ay tinawag nilang “Kailian March”.

Alas 8:00 ng umaga ng Lunes, October 17 nang dumating sa Maynila ang grupo at nakatakda silang mag-vigil mamayang gabi at doon na rin magpapalipas ng magdamag para antabayanan ang magiging pasya ng Mataas na Hukuman hinggil sa hero’s burial kay Marcos.

Kuha ni Jan Escosio

Dumating din sa lugar si Ilocos Norte Governor Imee Marcos para makiisa sa grupo.

Dadalo din si Marcos sa isasagawang final unity mass sa harap ng Supreme Court.

Bukas inaasahang ibababa ng Korte Suprema ang kanilang pasya kasabay ng pagtatapos ng status quo ante order na kanilang unang inilabas hinggil sa Marcos burial.

 


 

 

 

Read more...