Mt. Bulusan nagbuga ng abo

Photo courtesy of Drew Zuñiga
Photo courtesy of Drew Zuñiga

Nakapagtala ng phreatic explosion sa Mt. Bulusan, Lunes ng umaga, October 17.

Sa post sa Facebook page ni Albay 2nd Dist. Rep. Joey Salceda makikita ang makapal na abo mula sa bunganga ng bulkang Bulusan.

Photo courtesy of Drew Zuñiga

Tinatayang umabot umano sa isang kilometro ang taas ng abo na ibinuga ng Bulkan.

Naganap ang phreatic explosion kaninang alas 7:36 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, sa nakalipas na magdamag, nakapagtala ng 24 na volcanic earthquakes sa Bulusan.

Nananatili pa rin naman sa Alert Level 1 (abnormal) ang bulkan na nangangahulugang bawal pa rin ang pagpasok sa loobng 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) nito.

 

 

Read more...