Tubig sa San Roque Dam, malapit nang umabot sa spilling level; red alert status, itinaas

30_san-roque-dam7Itinaas na ang red alert status sa San Roque Dam dahil sa patuloy na pag-apaw ng tubig nito na malapit nang umabot sa spilling level.

Ito ay bunsod ng patuloy na pagbuhos ng ulan na dulot ng bagyong Karen na kasalukuyang bumabagtas sa ilang bahagi ng Luzon.

Umabot na sa 275.23 meters above sea level ang water level ng San Roque Dam na malapit na sa 280 MASL na spilling level.

Naitala ang 275.23 water level ng naturang dam kaninang 3:30 ng madaling araw.

Patuloy naman na minomonitor ng mga opisyal sa Benguet ang naturang dam kasabay ng pagpapaalala sa mga residente na maging maingat.

Samantala, nasa ilalim ng Signal No. 3 ang probinsya ng Benguet kung saan matatagpuan ang San Roque Dam.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyong Karen sa bisinidad ng Alfonso Castaneda, Nueva Vizcaya kung saan taglay nito ang hangin na aabot sa 150 kilometers per hour at pagbugso na aabot naman sa 210 kph.

Read more...