Hagupit ng bagyong Karen, ramdam na sa Aurora province

AURORANararamdaman na ang pananalasa ng bagyong Karen sa Aurora ngayong umaga.

Ito ay matapos mag-landfall ang bagyo sa Baler, Aurora kaninang 2:30 ng madaling araw.

Ayon sa Department of Interior ang Local Government (DILG), isolated na ang bayan ng Dingalan dahil under construction ang kanilang main road at nasira naman ang mga alternatibong daan dahil sa bagyong Karen.

Bukod dito, bumagsak na ang linya ng komunikasyon sa mga bayan ng Casiguran at Dinalungan.

Hindi na rin madaanan ang National roads sa Aurora dahil sa nagbagsakan mga puno at poste ng kuryente bunsod pa rin ng bagyo.

Sinabi rin ng DILG na kagabi ay na-trap sa Mt. Ningan sa bayan ng Dingalan ang walong mountaineers at apat na lokal na residente.

Pero ngayon aniya ay nasa ligtas na lugar na ang mga ito at magsisimula na ngayong araw ang rescue operation.

Read more...