Mga dam sa Benguet, nagbukas ng spillway gates

benguet mapBinuksan ng Ambuklao at Binga hydroelectric dams sa lalawigan ng Benguet kahapon ng Sabado ang kani-kanilang spillway gates dahil sa malakas na ulan sa kabundukan ng Cordillera.

Ayon kay National Power Corp. (Napocor) Hydrologist Virgilio Garcia na ang parehong nasabing mga dam ay nagbukas ng isang spillway gate ng kalahating metro alas singko ng hapon kahapon na kung saan nag-release ng tubig sa rate na 65 cubic meters per second.

Kaugnay nito ang bawat cubic meter ng tubig ay nasa 1,000 libong litro ng tubig o limang drum ng tubig.

Bandang alas dos ng hapon ng Sabado, ang water elevation sa Ambuklao nasa 751.77 meters above sea level (masl) kung saan nasa 23 centimeters na lang mula sa spilling level nito sa 752 masl.

Habang ang water level sa Binga ay ansa 574.04 masl malapit na sa spilling level nito na 575 masl.

Ang pinakalawalang tubig mula sa Ambuklao ay nakokolekta ng Binga dam habang ang pinkawalang tubig mula dito naman ay napupunta sa San Roque Dam na nasa downstream ng Agno River sa bayan ng San Manuel sa lalawigan ng Pangasinan.

Bandang alas dos ng hapon kahapon ng Sabado, nasa 274.83 masl ang water level sa San Roque dam, mas mababa ng 5.17 meters sa pinakamataas na lebel nito na 280 masl pero na kung saan hanggang 290 masl ang kapasidad ng naturang dam.

 

 

Read more...