NMAT, tuloy kahit may bagyo

https://www.fenceabroad.com file photo

Tuloy ang nakatakdang National Medical Admission Test (NMAT) ngayong Linggo kahit na masungit ang panahon dala ng Bagyong Karen.

Ayon sa inilabas na advisory ng Center for Educational Measurement Inc. sa kanilang website na gaganapin ngayong araw ng Linggo ang NMAT sa lahat ng testing centers sa buong bansa.

Ang NMAT ay nakadisenyo para i-upgrade ang proseso ng pagpili ng mga aplikante sa mga medical schools sa bansa.

Nauna ng iniulat sa mga weather bulletin ng PAGASA na magla-landfall sa Luzon ang naturang bagyo.

 

Read more...