4 na drug suspects patay, 1 pulis sugatan sa engkwentro sa Maynila

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Apat na drug suspects ang patay matapos maka-engkwentro ng mga pulis sa Malate, Manila.

Sugatan sa nasabing insidente ang isang pulis habang nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan ang isa hepe ng Arellano Police Community Precinct (PCP) matapos makalaptan ng putok ang mga suspek sa sa Arellano Avenue kanto ng Don Pedro Street.

Nagsasagawa umano ng pot session ang apat nang madatnan ng mga pulis.

Pero sa halip na sumuko, pinaputukan nila ang mga otoridad.

Nasugatan si PO1 Bruno Arucod matapos tamaan ng bala ng baril sa kaliwang braso.

Habang maswerte namang nakaligtas Police Chief Insp. Paulito Sabulao makaraang tumama sa bullet proof vest niya sa tapat mismo ng kaliwang dibdib malapit sa puso ang bala mula sa baril ng mga suspek.

Ayon kay Sabulao, nagtungo sila sa lugar para alamin ang sumbong na may nagsasagawa ng pot session ang mga suspek.

Matapos na maproseso ng SOCO ang crime scene, nakakuha ang mga pulis ng apat na 38 caliber, limang maliliit na sachet ng shabu at isang lighter na hugis granada.

 
 

 

 

Read more...