WATCH: Pagpatay sa isang pulis sa Caloocan, nakuhanan ng CCTV

Kuhang-kuha sa CCTV ang pagpatay sa isang pulis ng isang lalaking sinita lamang niya sa bahagi ng 3rd Avenue sa Caloocan City.

Sa nasabing CCTV footage, nakita ang isang lalaki habang naglalakad sa kahabaan ng 3rd Avenue.

Dumating si PO2 Rancel Cruz na naka-uniporme pa at sakay ng kaniyang motorsiklo at saka nilapitan ang lalaki.

Nakita rin sa video ang pagkapkap pa ni Cruz sa suspek, at hindi ito bumaba ng motorsiklo habang sinisita at kinakapkapan ang lalaki.

Ilang segundo ang nakalipas, bigla na lamang tumumba ang pulis.

 

Binaril na pala ng suspek ang pulis at saka mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Rizal Avenue.

Nagsasagawa na ngayon ng manhunt operation ang Caloocan Police laban sa nasabing suspek.

 

Read more...