Naganap ang pagsabog sa Bab al-Salam border malapit sa isang checkpoint na minamandohan ng mga tauhan ng Free Syrian Army (FSA).
Ayon sa ulat ng Reuters, karamihan sa mga nasawi ay pawang Syrian rebel fighters.
Nasa halos dalawang kilometero lamang ang layo ng pinangyarihan ng pagsabog mula sa border na pangunahing ginagamit para tawirin ang Turkey at Northern Syria.
Ang pagsabog ay naganap isang linggo matapos na pasabugin ng isang Islamic State militant ang kaniyang sarili sa bahagi naman ng Atmeh border sa Idlib Syria at Turkey.
Sa nasabing suicide bombing umabot sa 25 ang nasawi at pangunahing target umano nito ang FSA rebels.
MOST READ
LATEST STORIES