Sarangani, Davao Occcidental, niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.

Naitala ang pagyanig sa 159 kilometers South ng Sarangani kaninang alas 4:18 Biyernes ng umaga.

Ayon sa Phivolcs tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 47 kilometers.

Inaantabayan pa ng Phivolcs ang mga ulat kung may naitalang intensities ang nasabing lindol.

Bagaman walang inaasahang pinsala, sinabi ng Phivolcs na maaring magdulot ng aftershocks ang nasabing pagyanig.

 

 

Read more...