‘Karen’ lumakas pa, Signal number 2 posibleng itaas sa Bicol region

 

Lalong lumakas ang bagyong ‘Karen’ habang papalapit sa lupa.

Ayon sa 11PM Update ng PAGASA, isa nang tropical storm ang naturang bagyo at namataan sa layong 430 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas na 65 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 80 kph.

Inaasahang kikilos ito sa direksyong west northwest sa bilis na 13 kph.

Sakaling magpatuloy sa kanyang direksyon, may posibilidad na itaas na ang Public Storm Warning Signal number 2 sa Bicol region mamayang umaga.

Samantala, nasa Signal Number 1 ang Catanduanes, Camarines Sur at Albay.

 

 

 

 

 

 

Read more...