Hari ng Thailand, pumanaw na sa edad na 88

Thailand King
AFP photo

Pumanaw na ang hari ng bansang Thailand na si King Bhumibol Adulyadej sa edad na 88.

Ayon sa Royal Household Bureau, namatay si King Bhumibol sa Siriraj Hospital sa Bangkok bandang 3:52 ng hapon, oras sa Thailand.

Nabatid na ilang taon nang namalagi sa naturang ospital ang hari habang ginagamot ang iba’t ibang sakit nito.

Bago pumanaw, unti-unting bumaba ang blood pressure at hindi na naging normal ang atay nito.

Lumabas din sa blood test na nagkaroon na ng impeksyon ang hari sa kanyang atay.

Si King Bhumibol ang pinakamatagal na reigning monarch sa buong mundo kung saan tumagal ng pitumpung taon ang kanyang paghahari sa Thailand.

Read more...