Bagyong Karen, bumilis ang galaw; Signal No. 1, itinaas sa Catanduanes

Karen 1Bumilis ang galaw ng Bagyong Karen habang tinatahak ang direksyong west northwest.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 520 kilometers east ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugso na aabot naman sa 70 kph.

Dahil dito, itinaas na ang Public storm warning Signal No. 1 sa Catanduanes at posible din magtaas ng Signal No. 1 sa Bicol region ngayong gabi o bukas ng umaga.

Una nang sinabi ng PAGASA na maaaring lumakas pa ang bagyo at posibleng umabot sa Severe Tropical Storm category.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Karen sa darating na Martes.

Read more...