Kaguluhan sa Manila City Jail; ilang preso ang sugatan

Manila City Jail FILE PHOTONauwi sa protesta ng mga bilanggo at kaguluhan ang isinagawang Oplan Galugad sa Manila City Jail, Huwebes ng umaga.

Nagsagawa ng noise barrage ang mga bilanggo at nagsipag-akyatan pa sa bubong ng bilangguan.

Habang nasa bubong, iniladlad ng mga preso ang streamer na may nakasulat na “PALITAN SI WARDEN”.

Sa kasagsagan ng protesta, nakarinig ng tatlong putok ng baril sa loob.

May mga presong sugatan sa nasabing kaguluhan, kabilang ang isa na duguan ang ulo.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng SWAT at mga Bureau of Jail Management and Penology sa Manila City Jail para maawat ang kaguluhan.

Nang makitang papasok na ang SWAT, kusa nang nagsibaba mula sa bubong ang mga preso.

Agad ding ipinasok sa kani-kanilang mga selda ang nagprotestang mga bilanggo.

 

 

 

Read more...