Gordon kay De Lima: “You can’t control this committee”

de-lima_gordonNagkaroon ng mainit na sagutan sa pagitan nina Senators Richard Gordon at Leila De Lima bago pa man magsimula ang pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate committee on justice and human rights kaugnay sa mga kaso ng extrajudicial killilngs.

Nagsimula ang tensyon nang maglahad ng dalawang mosyon si De Lima, ang una ay ang payagan ng komite si Commission on Human Rights (CHR) chair Chito Gascon na magsalita at ilahad ang panig ng komisyon hinggil sa naging pahayag umano ng isa nitong commissioner laban kay Gordon.

Pero hindi ito pinayagan ni Gordon sa dahilan na hindi naman umano siya nagde-demand ng paumanhin mula sa CHR at ayaw na niya ng anumang ibang isyung makakagulo pa sa hearing.

“You can’t control this committee. I don’t want another distraction. We can’t be forever distracted,” ayon kay Gordon.

Sinabi din ni Gordon na tumawag naman na sa kaniya si Gascon para humingi ng paumanhin at linawin ang umano ay naging pahayag niCHR Commissioner Roberto Eugenio Cadiz Jr.

Sa nasabing pahayag, inakusahan umano ni Cadiz si Gordon na agad tinapos ang imbestigasyon sa EJKs at tinawag pang “coward” ang senador.

Pero ani Gordon, hindi naman niya sinuspinde ang imbestigasyon at sa halip ay ang pagdinig lamang ang itinigil pansamantala.

Sa ikalawang mosyon ni De Lima, iginiit naman nitong i-defer ang pagtalakay sa death penalty isyu na agad ding binaril ni Gordon dahil sa kawalan ng boto.

Sa kalagitnaan ng palitan ng pahayag, sinabi pa ni De Lima si Gordon na hindi dapat naghahalo ng kung ano-anong isyu na agad namang sinagot ni chairman ng komite.

“Hindi po appropriate na kung anu-anong issue ang hinahalo niyo,” Ani De Lima. “Anong hinahalo? Ikaw ang naghahalo ng mga issue, hindi na kita papatulan,” sagot naman ni Gordon.

 

 

 

Read more...