Tatlong Korean nationals, patay matapos pagbabarilin sa Bacolod City

Bacolod CityTatlong South Koreans ang natagpuang patay sa Bacolod City na pawang mayroong tama ng bala ng baril sa kanilang ulo.

Ang ulat sa pagkasawi ng tatlong dayuhan ay lumabas sa News Strait Times Online at Yonhap News batay sa pahayag ng South Korean foreign ministry.

Ang mga nasawi ay kinabibilangan ng dalawang lalaki at isang babae na pawang edad 40 pataas.

Nakasaad pa sa ulat na nakagapos ang binti ng isa sa lalaking biktima habang nakatali naman ang braso ng babae.

Ayon sa foreign ministry office ng South Korea, nakikipag-ugnayan na ang kanilang consular official sa mga otoridad ng Pilipinas hinggil sa nasabing insidente.

Sa ngayon, hindi pa umano tukoy ng Philippine National Police ang motibo sa pagpatay sa tatlong dayuhan at kung sino ang suspek o mga suspek sa pamamaril.

Sa datos ng ministry office ng South Korea, sa ngayon, umabot na sa anim na mamamayan nila ang natatagpuang patay sa Pilipinas sa loob lamang ng taong ito.

 

 

Read more...