Bagyong Karen, lumakas pa; maglalandfall sa Isabela o Aurora sa Linggo

TD KarenLumakas pa ang bagyong Karen habang kumikilos ito sa direksyong west northwest.

Ang tropical depression Karen ay huling namataan ng PAGASA sa 565 km East ng Catarman, Northern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 70 kilometers kada oras.

Kumikilos pa rin ang bagyo sa direksyong west northwest sa bilis na 11 kilometers kada oras.

Sa ngayon wala pa ring itinataas na tropical cyclone warning ang PAGASA.

Pero ayon sa PAGASA, maaring lumakas pa ang bagyo at posibleng umabot sa Severe Tropical Storm category.

Sa Linggo naman ay inaasahang tatama ang bagyo sa kalupaan ng Isabela o Aurora.

 

 

Read more...