Ito na ang ika-apat na taon na nangunguna sa listahan si Jackson at sa pagkakataong ito, napakalaki ng lamang ng kita ni yumaong pop singer sa kapwa niya musical icons na sina Prince at David Bowie na kapwa nasawi ngayong taon lamang.
Sa datos ng Forbes, si Jackson na nasawi taong 2009 ay mayroong 825 million dollars na earnings sa loob ng labing dalawang buwan.
Ang kinitang ito ng yumaong singer ay dahil sa 750-million-dollar sale ng kaniyang stake sa Sony/ATV music publishing.
Ang benta naman ng albums ni Prince ay malaki ang itinaas matapos itong masawi dahil sa drug overdose noong Abril.
Sa ranking ng Forbes, nasa panglima si Prince na mayroong estimated earnings na 25 million dollars, na mas mababa lang ng kaunto sa kita ni Elvis Presley na 27 million dollars.
Si Bowie naman na nasawi sa sakit na cancer noong Enero ay tumaas din ang album sales matapos ang pagkamatay, katunayan, sa taong 2016, mas madami ang nabentang album ni Bowie kumpara sa album nina Presley at Jackson.
Gayunman, umabot lamang sa 10.5 million ang overall estimated earnings ni Bowie ayon sa Forbes.