Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang mga lumabag na motorista ay sinita lamang at hindi na muna inisyuhan ng traffic violation tickets.
Karamihan sa mga nasita ay pawang bumiyahe sa Mandaluyong City.
Maliban kasi sa kahabaan ng EDSA, C5, Roxas Boulevard at Alabang-Zapote Road, iiral din ang no window hours policy sa Mandaluyong, Makati, at Las Piñas City mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi.
Ngayon ang ikalawang araw ng pagpapatupad ng dry run sa nasabing polisiya, at tatagal ang dry run hanggang bukas bago ang tuluyang istriktong implementasyon nito sa Lunes, October 17.
READ NEXT
Senator Sherwin Gatchalian, nasermunan ng Sandiganbayan dahil sa kulang-kulang na detalye ng mosyon
MOST READ
LATEST STORIES