Trump, magiging mapanganib na pangulo kung mananalo -UNHR

 

Nagbabala ang pinuno ng UN Human Rights na magiging mapanganib sa “international point of view” si US presidential candidate Donald Trump kung ito ang mananalo.

Ayon kay UN Human Rights chief Zeid Ra’ad al-Hussein, lubhang nakababahala o “deeply unsettling and disturbing” ang mga komento ni Trump, partikular na tungkol sa torture.

Nanindigan rin si Zeid na isa ring prinsipe sa Jordan, na wala siyang balak kumambiyo o tigilan ang pagbatikos sa mga panganib na dala ng aniya’y mga “populists and demagogues.”

Kamakailan kasi ay pinagsabihan ng Russian ambassador to UN si Zeid na hindi niya dapat banatan ang mga pinuno ng pamahalaan ng ibang mga bansa.

Dagdag pa ni Zeid, base sa iba’t ibang pahayag ni Trump, nakatitiyak siyang magiging delikado at mapanganib ang pamumuno nito.

Read more...