LPA, tatawaging ‘Karen’ sa pagpasok sa PAR

 

Mula sa PAGASA

Patuloy ang paglapit ng binabantayang low pressure area ng PAGASA sa silangang bahagi ng Visayas na makakaapekto sa southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Huling namataan ng PAGASA ang low pressure area sa 610 kilometer East Northeast ng Guiuan, Eastern Samar, na inaasahang mabubuo na bukas bilang bagyong “Karen.”

Samantala, makakaranas naman ng maulap na kalangitan na may katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan at pulu-pulong pag-kidlat at pag-kulog ang Silangang Kabisayaan at Caraga region, na posibleng magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Bicol region, MIMAROPA at natitirang bahagi ng Kabisayaan at ng Mindanao.

Sa Kamaynilaan naman at nalalabi pang bahagi ng Luzon ay mararanasan ang maulap na kalangitan na may kasamang manaka-nakang pag-ulan, pagkidlat at pagkulog.

Read more...