Agot Isidro nanindigan laban sa mga bashers

 

Inquirer file photo

Sa kabila ng pagbaha ng mga batikos at panlalait sa kaniya, nanindigan ang aktres na si Agot Isidro sa kaniyang naging pahayag laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kaniyang online post, kasabay ng kaniyang paninindigan laban sa pambu-bully, nanawagan rin siya sa publiko na manatiling mapag-matyag at huwag magpapa-daig sa kawalan ng hustisya.

Ipinost ni Isidro ang isang quote mula sa isang literary icon na si Robert Frost, kung saan nakasaad ang mga katagang: “Never be bullied into silence. Never allow yourself be made a victim. Accept no one’s definition of your life; define yourself.”

Nilagyan na lamang ito ni Isidro ng caption na “Good Morning!” na umani na rin ng mahigit isang libong likes.

Habang patuloy ang pagbatikos sa kaniya ng ilang mga netizens, ang iba namang mga kritiko ay kapwa niya artista ay nagpapahayag ng suporta para sa kaniya.

Matatandaang nagkomento na rin mismo ang pangulo kaugnay sa pahayag ng aktres, at sinabi lang nito na karapatan ni Isidro alinsunod sa batas ang paglalabas ng kaniyang opinyon.

Read more...