Nalusutan ng Meralco ang Ginebra sa 3rd game ng kanilang finals series ng PBA Governor’s Cup, 107-103.
Sandaling kinabahan ang tropa ni coach Norman Black ng pumasok ang tres ni Ginebra import Justin Brownlee para ilapit ang Gin Kings, 103 – 105 may 14 na segundo pa ang nalalabi.
Nang mapunta sa Bolts ang bola ay binigyan ng foul ang import nila na si Alex Durham na kapwa naipasok ang dalawang freethrows para sa bigyan sila ng lamang na apat na puntos.
Sa natitirang walong segundo ng laro muling pumukol ng tres si Brownlee ngunit tumama lang sa ring ang bola hanggang sa maubos ang oras.
Si rookie Scottie Thompson ng Bolts ang tinanghal na Best Player of the game matapos kumamada ng 22 puntos at anim na assists.
Sinabi naman ni coach Black na ang serye nila ni coach Tim Cone ay ‘games of adjustments’ kayat kailangan nilang paghandaan ang ilalatag sa kanila ng pinakasikat na PBA team sa game 4 sa Biyernes.